Love bade me welcome; yet my soul drew back.

Home » Archives » 31. May 2006

another night, another day….

May 31, 2006

2nd day……….

(**yawn**) Inaantok pa ako. Naiimagine ko tuloy ang kama ko……kundi sana umiral katangahan ko, di sana ang ganda na ng tulog ko ngayon. Hmmp!!!

Masakit ang hinalalaki ko. Mano ba namang gamitin ang sariling kamay para buksan ang isang lata ng century tuna…..Iba pala talaga ang epekto ng pinagsamang gutom at antok, ano? Ang lakas ng dugo, grabe! ‘Kala ko tuloy, mamamatay na’ko.hehehe! (exxaged  naman masyado! )

Eto pa ang ikinaiinis ko….di nagreply ang gago!!! (sino???) Kakainis….ang sarap awayin….pro ang tanong dyan…may karapatan ba ako? ha?ha?ha? Hay, naku! Ewan ko ba. Tanga lang siguro talaga ako. (Ilang ulit ko na bang naidescribe ang sarli ko ang salitang ‘to? OMG! )

Sino ba ‘tong tinutukoy ko? Itago na lang natin sya sa pangalang “Lang Hiya”. I met him way back in college pa. Halos 6 years na na rin ang lumipas (6 years na ba? I’m not sure but based on my calculations, almost 6 years na.) . He is………let’s see. I think, he is ok. (hehehe! ‘yon lang?) To be honest, I don’t know. He is an ok-kind-of-a-guy. Pwede na….pwede na maging dyowa. But here’s the catch………………may dyowa na syang iba! Sakit!!!!!!

BTW, I am  happy kasi I received another 100% CSAT survey today. Yesss!!!! May extra money na naman ako….

My supervisor invited me to go to Moal Boal and Kawasan this weekend. I would really love to go. Pro ang problema, ala akong extra money. Hmmp! Sayang! I really wanna go. I heard ang ganda pa naman dun…Pro mas maganda pa rin ang Tinago Falls (’alang katulad!).

‘Ala lang…just wanna share with you this cute pic that I found online. Ang cute di ba?

<ganito ang itsura ng magiging baby ko…(ambisyosa!hehehe!!!)>

Posted by sheng214 at 8:50 am | permalink | Add comment

Here At Last………………….

Hi, there!

Sa wakas, andito na rin ako. Antagal ko na kayang gustong magkablog pro di mangyari-yari. Meron na sana sa blogspot (friend ko pa talaga ang gumawa!)pero sa laking kamalasan , palaging ganito ang lumalabas…

SurfControl
 

Access Denied

Access to the requested URL has been denied by SurfControl

O, di ba! Sino ba namn ang di maiinis. But then again, if there is a will…there is a way! Hehe! I guess I outsmarted the IT pipol this time around (hurray!!!)Happy with Tongue Smiley

To start with, let me introduce myself. My name is Michelle. But I would prefer that you call me Sheng. Why? E, pano andami ba namang Michelle sa world. lahat na lang ng klase. Hay, naku! Ba’t ba naman kasi sa dinami-dami ng name, Michelle pa ang naisipan ng tatay ko (sabi nya kasi, nuon ‘yong time na nauso ang kanta ng Beatles na Michelle, whatever!!!!) Pero come to think of it, ok na rin ‘to. Sweet namang pakinggan ang pangalan ko di ba? Kesa naman pangalanan akong Magdalena ( to which  one of my previous professors in College used to call me! Can you just imagine how embarrassed I was?)Paper Bag Smiley

I am a Travel Specialist ( Sosyal!….Actually I am a travel agent in a call center). An I’m proud to say that pang-international ang beauty ko. Kausap ko sa magdamag ang iba-ibang klase ng tao sa buong mundo. Mantakin mo ba namang halos bunuin ko ang 11 oras na kakadada at kakausap sa mga amerikanong wala na yatang ibang magawa kundi tumawag ng tumawag! Hay, naku! Syanga pala, sa blog na ‘to di ako gaanong mag-eenglish, ha? Kasi ba naman, nakakasawa rin. Sa trabaho, ganun na lang palagi. At least dito, maiba naman. Mano ba namang gamitin ko ‘yong napag-aralan ko sa Filipino, at isa pa, ano na lang ang sasabihin sa akin ni Sir Art (teacher ko sa Filipino nong HS. Di sa pagmamayabang, Best in Filipino ata ‘to! hehe) ?

Speaking of work, ewan ko ba, ala na atang mas tatanga pa sa akin. Akalain mo ba namang nakipagpalit ng schedule ng di nag-iisip. Hayun, kayod-kalabaw ako ng 6 na araw. Isipin mo ba namang 11 oras, 6 na araw at graveyard pa!!! Tingnan ko lang kung anong magiging resulta. Feeling ko tuloy, pag nakalimang araw na ako para na akong zombie nito. Sa susunod kasi, mag-isip-isp muna ng di napapasubo (pagalitan ba ang sarili!) Pero sa ibang banda, okay na rin siguro to kasi enrolment ko naman next week tsaka darating pa tatay ko. At least, may oras ako.

Yup!Yup!Yup! I’m going back to school. I’m taking up my masters. Actually, secon sem ko na. ‘Ala lang. Gusto ko lang. Para naman, pag naisipan ko nang maghanap ng ibang trabaho, may maipagmamalaki na ako. Enrolment na nga namin next week, eh. I’m just hoping  na di ko na maging classmates ‘yong mga nakasama ko last sem (hep!hep!hep!issue ba ito?)

Nabanggit ko na ba na may anak na ako? Yup! You heard it right! He is 8 months old. Ubod ng kulit pero napakalambing naman. His name is Bo but I usually call him Doydie. Actually, marami syang pangalan. Lahat na nga ata ng names na maririnig ko, itinatawag ko sa kanya. Ang pinakaayaw ko lang sa lahat ng antics nya e ‘yong palagi syang nangangagat. Ay, naku! Andami na atang nasirang gamit ang asong ‘to, mapatsinelas hanggang mapastuff toy. Opo. Aso po ang tinutukoy ko. ‘Kala nyo kung ano na no? Hehehe!. ‘Ndi nga magkaboyfriend, anak pa kaya?

Speaking of which, bakit nga ba? I mean, pretty naman ako (according to my papa), matalino naman ako (talaga!), mabait at super sweet (eheemmm!) pro ba’t ganun? Ba’t ala? Hay, naku, mantakin ko mang isispin, e sa wala talaga, anong magagawa ko? pro sana naman, dumating na sya…..kung sino man sya (**sigh**)…Crying Heart Smiley

 

 

Posted by sheng214 at 8:09 am | permalink | Add comment

patience please

[sheng214.i.ph] hasn’t put this blog together yet.

Come back soon to see a great i.ph blog, and some cool pictures. Better yet, go to www.i.ph and get one for yourself.

If you’re [sheng214.i.ph], click here to finish setting up your blog and photo gallery. Your audience awaits :)

Posted by sheng214 at 8:03 am | permalink | comments[4]